top of page
Search

Igorot Activist Beverly Longid's Statement on IP, IHL Day

  • Writer: Panaghiusa Philippine Network
    Panaghiusa Philippine Network
  • Aug 18
  • 5 min read

This message was delivered by Bontok-Kankanaey activist Beverly Longid, National Convener of Katribu Kalipunan ng Katutubong Mamamayan ng Pilipinas and Co-Convener of Panaghiusa Philippine Network to Uphold Indigenous Peoples' Rights, during a forum in line with the International Day of the World's Indigenous Peoples and International Humanitarian Law Day last August 9, 2025.



Gawis ay agew ken datako amin. Magandang umaga po sa ating lahat. Thank you for joining us.


Today, August 9, we come together to observe the International Day of the World’s Indigenous Peoples, just days before the International Day for the Promotion and Recognition of International Humanitarian Law (IHL) on August 12. Habang mas kilala ang una, hindi pamilyar sa marami ang huli kahit sa hanay ng mga aktibista.


Beverly Longid during the forum on International Day of the World's Indigenous Peoples and International Humanitarian Law Day last August 9, 2025. Photo from Altermidya.
Beverly Longid during the forum on International Day of the World's Indigenous Peoples and International Humanitarian Law Day last August 9, 2025. Photo from Altermidya.

We mark and link these two dates not out of tradition, but to expose the truth: the harsh realities Indigenous Peoples face under militarization, repression, and armed conflict. These are not just symbolic days. They reflect lived experiences of injustice and serve as reminders of struggle and survival. And they are, above all, a call to action.


We also meet at a time when the Philippine government, through the Department of Foreign Affairs, is preparing to host the Asia Pacific Regional Conference on International Humanitarian Law from August 11 to 14 in Makati City.


The government presents itself as a “champion” of IHL for being a State Party to the Geneva Conventions and their Additional Protocols, and a founding member of the United Nations with a supposed legacy of upholding humanitarian law.


Pero dapat nating tanungin: Ano ang saysay ng pag-host ng IHL conference kung nilalabag naman ng gobyerno ang mga batas at prinsipyo nito?

Despite its formal commitments, the Philippine State, like many others, is guilty of grave and continuing violations of both international human rights law and international humanitarian law.


Indigenous Peoples have long endured systemic discrimination, dispossession, and forced displacement. Today, they are also targets of brutal and sustained attacks under an increasingly fascist state. Under intensified counterinsurgency, the lines between human rights violations and IHL breaches have been blurred, especially in Indigenous territories.


Sa mga nakaraang rehimen, tinawag ang mga counterinsurgency plan na Oplan o operational plan gaya ng Kapanatagan, Bayanihan, Bantay Laya, at iba pa — na ang layunin ay durugin ang rebolusyonaryong kilusan ng CPP-NPA-NDFP. Sa ilalim ni Pangulong Bongbong Marcos, idineklara niyang nadurog na ang nasabing kilusan, kaya’t ang layunin ng kasalukuyang counterinsurgency plan ay pigilan ang panunumbalik o muling pagsiklab nito. Pinalitan niya ang pangalan ng patakaran at tinawag itong National Action Plan for Unity, Peace, and Development (NAP-UPD). Ngunit nagbago lamang ang pangalan; pareho pa rin ang laman — panunupil at whole-of-nation approach na nangangahulugan ng patuloy na militarisasyon, pambobomba, pananakot, at sapilitang pagrerekrut sa mga paramilitary.


Mamaya ay mapapakinggan natin ang mga salaysalay ng mga biktima mismo—mga direktang nakaranas at nakasaksi sa mga paglabag sa karapatang pantao ng ating mga komunidad, lalo na sa kanayunan: pagbobomba, militarisasyon, pagpaslang, sapilitang pagkawala ng mga lider at tagapagtanggol ng karapatan, at ang pagtaguri sa ating mga organisasyon at lider bilang terorista.


These are not just civil and political rights violations. These are grave breaches of International Humanitarian Law (IHL), which protects civilians and prohibits attacks against those who are not taking part in combat.

Hindi rin ito mga hiwa-hiwalay na kaso. Bahagi ito ng isang sistematikong istratehiya ng karahasan ng estado laban sa mga Katutubo—isang tangkang patahimikin ang ating lehitimong paglaban para sa lupa, buhay, at sariling pagpapasya.


Sa ilalim ng internasyunal na batas, nakapaloob sa karapatan sa sariling pagpapasya ang karapatang lumaban — kabilang ang paghawak ng armas — laban sa estado na mapang-abuso, mapanupil, at nagpapawalang-saysay sa ating batayang mga karapatan.


At kinikilala ito sa mga pandaigdigang kasunduan tulad ng United Nations Charter, ang International Covenant on Civil and Political Rights (ICCPR), at pinagtitibay sa mismong kasaysayan ng mga mamamayang lumaban sa kolonyalismo, pagsasamantala, at pambansang pang-aapi.


The Indigenous Peoples and human rights defenders call to uphold Indigenous Peoples' rights to ancestral domain and self-determination. Photo from Altermidya.
The Indigenous Peoples and human rights defenders call to uphold Indigenous Peoples' rights to ancestral domain and self-determination. Photo from Altermidya.

When Indigenous communities take up arms, it is not out of hate. It is an act of survival. It is a response to systemic injustice—not a cause of it. It is rooted in our collective refusal to be erased, dispossessed, and silenced.


Kaya ngayong araw, magsalita tayo nang buong tapang: Ang sariling pagpapasya ay hindi ibinibigay ng estado. Isinasabuhay ito ng mamamayan. At ang paglaban ay hindi lamang lehitimo. Ito ay kinakailangan.

Sa Pilipinas, nananatiling ugat ng digmaang sibil ang kawalan ng lupa, pambansang pang-aapi, matinding kahirapan, at terorismo ng estado.


Hindi matatapos ang digmaan kung walang katarungan. At walang katarungan habang pinatatahimik ang mga Katutubo sa pamamagitan ng bomba, bilangguan, at pananakot.

Hangga’t hindi tinutugunan ang mga ugat ng sigalot, mananatili ang paglaban — sa ligal na pakikibaka, pampulitikang organisasyon, o armadong paglaban, gaya ng kinikilala ng IHL. Lalaban ang mga Katutubo at inaaping sektor dahil kailangan at kaya nilang lumaban.


Kaya’t harapin natin ang ugat ng tunggalian, hindi ito dapat ikaila o baluktutin.


Peace comes from addressing the causes of conflict, respecting the rights of people, especially Indigenous Peoples, and creating political space for just and lasting solutions.


That is why today’s forum is more than a commemoration. It is also a timely and urgent call for the resumption of peace talks between the Government of the Republic of the Philippines and the National Democratic Front of the Philippines.


We call on especially the government — as duty bearers — with utmost sincerity to create conditions for genuine dialogue and negotiations and take immediate steps toward just and lasting peace:


  • Remove baseless terrorist designations and scrap the Terror Law;

  • Stop red-tagging, arrests, and harassment; and

  • Abolish the NTF-ELCAC.


Sa kabila ng matinding atake, humuhugot tayo ng lakas mula sa tapang ng mga Katutubo at pamayanang patuloy na lumalaban. Mula sa kabataang nagpapatuloy ng pakikibaka. Mula sa mga tanggol karapatan na hindi nagpapatahimik. Mula sa pakikiisa ng mga magsasaka, manggagawa, taong simbahan, artista, abogado, at mamamayang kasama natin sa laban.


At mula rin sa mga pagkakataong tulad ngayon, kung saan pinag-uusapan natin ang kapayapaan at buong tapang na hinihingi ang makatarungang kapayapaang nakaugat sa katarungan, at sariling pagpapasya.


Manindigan tayo kasama ang mga Katutubo,

hindi lang sa pag-alala, kundi sa paglaban.

Hindi lang sa salita ng pakikiisa,

kundi sa sama-samang pakikibaka.


Mabuhay! Maraming Salamat!



This message was delivered by Bontok-Kankanaey activist Beverly Longid, National Convener of Katribu Kalipunan ng Katutubong Mamamayan ng Pilipinas and Co-Convener of Panaghiusa Philippine Network to Uphold Indigenous Peoples' Rights, during a forum in line with the International Day of the World's Indigenous Peoples and International Humanitarian Law Day last August 9, 2025.

Comments


© 2022 by Panaghiusa Philippine Network. Website designed by Dania G. Reyes.

bottom of page