Militanteng pagbati sa araw ng kababaihan, mga kababaihang anakpawis!
- Kabataan para sa Tribung Pilipino
- Mar 8
- 1 min read
Palagi nating sinasabi, babae, ang lugar mo ay sa pakikibaka! Naging bahagi ang kababaihan sa pagpapanday ng ating lipunan bago pa at mula nang tayo'y supilin ng dayuhang mananakop. Maraming mga umusbong na mga lider-kababaihan, organisador, at mga rebolusyonaryong pumukaw, nag-organisa, at nagmobilisa sa malawak na hanay ng mamamayang Pilipino upang palayain ang bansa.

Sa kasalukuyan, hanggang umiiral ang krisis sa lipunan, dayuhang pangsasamantala, at namamayani pa rin ang kulturang macho-pyudal at patriyarkal mula sa loob ng bahay hanggang sa paglabas, patuloy pa rin ang pakikibaka ng mamamayang Pilipina sa'ting bansa.
Sa hanay ng Pambansang Minorya, patuloy ang pagkilos upang ipaglaban ang karapatan sa lupang ninuno at sariling pagpapasya. Palaging kadikit ng pagpapalaya ng lipunan, at pagwasak ng mga istukturang nagpapahirap ang usapin ng pagpapalaya ng kasarian.
Kaya naman, babae para kanino ka? Sabi nga ni Lorena Barros, ang bagong Pilipina, ay militante. Sabi nga ni Bai Bibyaon, hindi lamang tayo lumalaban para sa sarili, ngunit para sa buong sambayanan.
Comments