Living a Culture of Encounter: Rising in Resistance, Standing in Solidarity
- Panaghiusa Philippine Network
- 6 days ago
- 1 min read
Noong ika-9 ng Agosto 2025, sa pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng mga Katutubo sa Maryhill School of Theology sa Lungsod Quezon, nagbigay ng makabuluhang mensahe si Most Rev. Gerardo Alminaza, D.D., Bishop ng San Carlos at Pangulo ng Caritas Philippines, na hinamon ang konsensya ng sambayanang Pilipino.

Sa harap ng mga Katutubo , advocates, at mga kapanalig sa pananampalataya, kinondena ni Bishop Alminaza ang sistematikong marginalisasyon ng mga Katutubo, na kanyang inilalarawan hindi bilang "ignorance" kundi bilang “ignore-ance”—isang sinadyang pagpili ng lipunan na balewalain ang kanilang kultura, karapatan, at pakikibaka.
Binigyang-diin ng kanyang talumpati ang kagyat na pangangailangang labanan ang development aggression, sapilitang pagpapalayas, at iba pang pag-atake sa mga Katutubo, lalo na sa harap ng extractive industries at state-led infrastructure projects na sumasakop at sumisira sa kanilang mga lupang ninuno.

Ang mensahe ni Bishop Alminaza ay kaakibat ng paninindigan ng Panaghiusa Philippine Network to Uphold Indigenous Peoples' Rights na palakasin ang tinig ng mga Katutubo at labanan ang istruktural na inhustisya. Ang kanyang pananalita ay panawagan upang ipagtanggol ang lupa, kultura, at dignidad ng mga Katutubo.
Commentaires