top of page
Search

Panaghiusa tinatanggap ang pagbigay ng CA ng Writs of Amparo, Habeas Data para kay Felix Salaveria Jr. na isang Desap

  • Writer: Panaghiusa Philippine Network
    Panaghiusa Philippine Network
  • Aug 1
  • 2 min read

Malugod naming tinatanggap ang desisyon ng Court of Appeals na magbigay ng Writs of Amparo at Habeas Data pabor sa pamilya ng tagapagtaguyod ng karapatan ng mga Katutubo na si Felix Salaveria Jr. Pinagtitibay ng hatol na ito ang matagal nang alam ng mga komunidad: na nabigo ang Philippine National Police na gampanan ang kanilang tungkuling magsagawa ng masusing imbestigasyon sa pagkawala ni Felix, at dapat silang panagutin.


"Ang pagkilala ng korte sa pananagutan ng Estado ay isang hakbang pasulong, ngunit nananatiling mailap ang hustisya. Binibigyang-diin namin ang panawagan ng mga anak ni Felix: hindi pa tapos ang laban. Nanawagan kami ng masusing, independiyenteng imbestigasyon at ang pagliltaw kay Felix nang buhay at ligtas," sabi ni Rikki Mae Gono, Pambansang Tagapag-ugnay ng Panaghiusa.


Larawan mula sa Karapatan.
Larawan mula sa Karapatan.

Hindi ito isang hiwalay na kaso. Ipinapakita nito ang mas malawak at nagpapatuloy na pakikibaka ng mga Katutubo at advocates na humaharap sa panliligalig, pagdukot, at karahasan dahil sa pagtatanggol sa lupang ninuno at sa karapatan sa sariling pagpapasya. Mula sa mapanirang pagmimina at mga mega-dam project hanggang sa land grabbing at militarisasyon, patuloy ang pagtutol ng mga komunidad sa development aggression na banta sa kanilang pamumuhay.


Muli naming iginigiit ang aming panawagan: Ilitaw sina Dexter Capuyan, Bazoo De Jesus, at lahat ng Desaparecidos!


Si Dexter, isang Igorot mula sa tribong Bontoc-Ibaloi-Kankanaey, at si Bazoo, kapwa tagapagtanggol ng karapatan ng Katutubong Mamamayan, ay dinukot noong Abril 28, 2023 ng mga indibidwal na nagpahayag na sila ay mga ahente ng CIDG. Ang patuloy na pagkawala nila ay isang matinding paglabag sa karapatang pantao at isang nakakakilabot na paalala ng panganib na kinakaharap ng mga tagapagtanggol ng katutubo.


Nanawagan kami sa lahat ng sektor na makiisa sa mga Katutubo at advocates, at suportahan ang aming mga panawagan:

Itaguyod ang karapatang pantao!Itigil ang mga atake sa Katutubong Mamamayan!

Ipakita ang lahat ng Desaparecidos!Panagutin ang mga lumalabag sa karapatang pantao!Ipaglaban ang lupang ninuno at igiit ang karapatang magpasya para sa sarili!

Patuloy ang laban para sa katotohanan at hustisya. Hindi kami mananahimik. 


Hindi kami titigil hangga’t marinig ang bawat tinig ng Katutubo at ilitaw ang bawat Desaparecido. #



Sanggunian:

Rikki Mae GonoPambansang Tagapag-ugnay

Panaghiusa Philippine Network to Uphold Indigenous Peoples’ Rights


Comments


© 2022 by Panaghiusa Philippine Network. Website designed by Dania G. Reyes.

bottom of page