top of page
Search
  • Writer's pictureKabataan para sa Tribung Pilipino

The Truth Retold: Marcos Offenses (IMELDA)




Magdadalawang buwang makalipas ang presidential inauguration ng magnanakaw at anak ng diktador na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Kahit na opisyal nang nasa ilalim tayo ng rehimeng Marcos-Duterte, hindi pa rin ito katanggap-tanggap lalo na’t ang kanilang pagkapanalo ay dahil sa kanilang ninakaw na pera at makinarya at higit sa lahat, hindi pa rin nila inaako ang kasalanan ng kani-kanilang pamilya.



Si Imelda Marcos, ina ni Marcos Jr. at asawa ni Marcos Sr. ay isa sa mga berdugong magnanakaw ng pamilya Marcos. Mula 1986 hanggang 1985, 28 criminal cases at 43 Civil and Forfeiture Cases ang naisampa sa kanya. Isa rin sa mga nagawa niya ay ang pagpapalayas ng 254 na pamilya sa Calauit para masunod ang personal na interes na makapagtayo ng “Safari Park”. Siya rin ay convicted ng 7 counts of graft nung 2018 ngunit ngayon ay malaya pa rin sa edad na 93 at hindi nananagot sa kanyang mga kasalanan.


Iilan lamang ito sa kadami-daming kaso at karahasan na nagawa ni Imelda Marcos. Ngayon, sa ilalim ng rehimeng Marcos-Duterte, kailangan nating patibayin ang ating loob at mga ebidensya. Hindi natin hahayaan ang estadong ibaon sa limot ang mga brutal na ginawa ng pamilyang Marcos! Tayo ay maniningil! Panagutin ang mga Marcos!

Comments


bottom of page