Hindi patas ang marahas na administrasyong Marcos-Duterte sa mga mabubuting tao na nais lamang ng lehitimong kaunlaran para sa bawat mamamayan.
Si Stephen “Steve” Tauli, 63 taong gulang ay isang Regional Council member ng Cordillera Peoples Alliance (CPA). Siya ay aktibong lumahok sa mga kampanya para sa kabuhayan, lupang ninuno at kalikasan. Kahapon lamang, sa pagitan ng 6:00 hanggang 9:00 PM, ay dinakip siya ng 5 na ‘di pa nakikilalang indibidwal sa Ag-a Road, Tabuk City, Kalinga.
Ngunit anong sinusukli ng estado sa kanyang mga inisyatiba na para sa kagalingan ng lahat? Siya ay naging biktima ng sunud-sunod na surveillance, harassment, redtagging, at ngayon—pagdakip.
Makiisa tayo sa panawagang ilitaw nang buhay at ligtas si Steve Tauli! Itigil ang mga atake sa mga aktibista sa Cordillera!
Komentarze