top of page
Search

SA ARAW NA ITO | Isinabatas ang di-konstitusyonal na Terror Law na tuma-target sa mga Katutubo, advocates, tanggol-karapatan

  • Writer: Panaghiusa Philippine Network
    Panaghiusa Philippine Network
  • 1 day ago
  • 2 min read

Sa araw na ito noong 2020, nilagdaan bilang batas ni dating pangulong Rodrigo Duterte ang Anti-Terrorism Law (ATL). Mula noon, ginamit ito bilang sandata laban sa mga Katutubong Mamamayan, advocates, at mga tagapagtanggol ng karapatang pantao.


Nanawagan ang Panaghiusa Philippine Network to Uphold Indigenous Peoples' Rights na ibasura ang ATL. Limang taon mula nang maisabatas ito, patuloy itong ginagamit upang patahimikin ang mga boses na nagtataguyod ng hustisya, lupang ninuno, at sariling pagpapasya.


Ang mga magsasakang Aeta na sina Japer Gurung at Junior Ramos ang kauna-unahang kilalang biktima ng batas. Inaresto sila habang lumalayo mula sa operasyong militar, ikinulong nang walang tamang proseso, tinortyur, at kalaunan ay napawalang-sala—ipinapakita nito kung paano ginamit ang batas upang magsagawa ng hindi makatarungang pag-uusig mula pa sa simula.


Larawan mula sa Cordillera Peoples Alliance.
Larawan mula sa Cordillera Peoples Alliance.

Patuloy ding nakararanas ng pampulitikang panunupil ang Cordillera Peoples Alliance (CPA), kasapi ng National Coordinating Committee ng Panaghiusa. Ang kanilang mga lider na sina Windel Bolinget, Stephen Tauli, Sarah Alikes, at Jennifer Awingan ay idineklarang terorista at isinailalim sa red-tagging, pag-freeze ng mga asset, at pagbabanta—isang lantad na pag-atake sa pamumunong katutubo at organisadong pagkilos.


Kasindilim rin ang kaso ni Dr. Natividad “Doc Naty” Castro, na sa kabila ng dekadang serbisyo sa mga komunidad ng mga Katutubo ay inaresto at idineklarang terorista. Ang kanyang gawaing makatao ay ginamit bilang dahilan upang siya'y kriminalisahin—na siyang nagpapakita ng kakayahan ng batas laban sa mamamayan.


Mariing kinokondena ng Panaghiusa ang mga pag-atakeng ito at binibiyang diin ang paninindigan nito: ang batas ay dapat mangalaga, hindi mang-usig. Kailangang ibasura ang Anti-Terrorism Law. Itigil ang mga pag-atake sa mga Katutubo, advocates, at tagapagtanggol ng karapatang pantao! #

Comments


© 2022 by Panaghiusa Philippine Network. Website designed by Dania G. Reyes.

bottom of page